BETHSFIELD–ELISTONE.LOVE

Matagal na panahon na ang nakalipas, panahon kung saan ang mga larawan ay kinukuha gamit ang malalaking camera na may mga shutter at binubuo sa paliguan na may pilak na asin, may nakatirang maliit na batang babae na tinatawag na Lilibeth. Siya ay may pulang buhok at mahilig niyang ipadyak ang kaniyang mga paa. Siya ay napakakulit na bata. Isang araw nagkaroon siya ng malubhang karamdaman at kinailangan niyang tumigil ng mahabang panahon sa napalaking maruming ospital na lubhang kailangan ng pagsasaayos. Lahat ng bagay sa ospital ay bumabagsak. Ang mga pintura sa dingding ay nagtutuklapan. Umaalog at lumalangitngit ang mga elevator. Ang payat na batang babae na may salamin ay walang sinuman na kasama na pwedeng makisaya sa kaniya,ngunit hindi siya natatakot sa anumang bagay at ma upang mdalas siyang lumabas sa kaniyang silid sa ospital tuwing gabi.Gusto niyang maglakad sa madilim na pasilyo habang nangangarap na lahat ng bagay ay aayusin niya kung mayroon lamang siyang mga kagamitan - hihigpitan niya ang lahat ng turnilyo, ididikit pabalik ang lahat ng tiles na nahuhulog sa mga dingding at ibabalik ang dating ganda ng pintura sa ospital. Makalipas ang ilang taon ay lumaki si Lilibeth na isang magandang dalaga, nagaw siyang pagalingin ng mga doktor. Pinayagan siyang bumalik sa kanilang tahanan upang muling makapasok sa paaralan. Siya ay naging isang matalinong binibini na may magandang asal. Gusto niyang bumawi sa lahat ng oras na nawala sa kaniya - masipag siyang magaaral, at isang araw pagkatapos sa paaralan ay naitahi niya ang kaniyang sarili ng isang bag mula sa isang lumang pares ng korduroy na pantalon. Ito ay isang napakahusay na bag, na may ilang kompartimento at isang espesyal na lugar para sa kaniyang pitaka. Si Lilibeth o Beth, na dapat nating itawag ngayon sa kanya (dahil siya ay lumaki na isang malaking babae), ay lumaki rin na may interes sa pagkuha ng larawan. Pumasok siya sa isang paaralan na nagtuturo ng tamang paggamit ng camera, kung paano makuha ang lahat ng pindutan at dial sa eksaktong tamang lugar upang ang larawan ay lumabas na may tamang pokus at liwanag, at kung paano bumuo ng mga larawan sa maraming ibat-ibang uri ng paliguan sa madilim na silid. Sa mga aralin kung saan nalaman niya ang tungkol sa mga mahiwagang bagay na ito ay nakilala niya ang isang lalaki na nagngangalang Chris. Si Chris ay palaging may ngiti sa kanyang mukha at nakasuot ng rucksack, kung saan siya ay may dalang mapa. Pinapangarap ni Chris na maglibot sa buong mundo. Mula sa araw na iyon, palaging magkasama sina Beth at Chris kung saan-saan. Tinahi ni Beth si Chris ng isang strap para sa kanyang camera sa kanyang makinang panahi. Sinimulan nilang tuklasin ang mga lumang pabrika na hindi na ginagamit, SCRAMBLING UP SLAG HEAPS, at umakyat sa tuktok ng napakataas na tsimineya ng mhga pabrika. Sa isang sandali, at walang nakakatiyak kung kailan, sila ay nahulog sa isat-isa at nagpasiyang magpakasal, kahit na hindi nila kayang magbayad ng lugar para sa pagdarausan ng kanilang kasal. Itinahi ni Beth ang kaniyang sarili ng pangkasal at tinulungan sila ng kanilang mga kaibigan sa paghahanda para sa kasalang magaganap. Kahit saan magpunta si Beth ay dala niya ang kanyang bag, kung saan nag-iingat siya ng iba't ibang mahahalagang bagay na kadalasang madaling gamitin. Halimbawa na lamang, noong papunta na sila sa kanilang kasal, nahulog ang isa sa mga pyesa ng sinsakyan nilang kotse, at agad na naglabas si beth ng limang turnilyo at isang pampihit ng turnilyo mula sa isang kompartimento sa kanyang bag at inayos ito pabalik sa kotse. Ang bag ni Beth ay palaging malinis at maayos. Walang anumang basura sa loob nito, ngunit mayroong pitong piraso ng chewing gum, na maaaring gamitin upang idikit ang mga tile pabalik sa dingding, o maaari rin silang ialok sa mga kaibigan. Mayroon ding apat na kagamitan sa pagsulat - isang fountain pen, isang BIRO, isang felt tip pen, at ang lapis na ginamit nila sa sertipiko ng kanilang kasal. Mayroon ding 7 metrong mahabang piraso ng tali, kung sakaling may mga panahon na kailanganin. Masaya sila at madalas lumipat ng bahay. Sa tuwing may nangyayaring kakaiba sa isang lugar sa mundo, titignan ni Chris kung nasaan ito sa kanyang mapa at sabay-sabay silang aalis para mag-usisa. Kukuha sila ng litrato o gagawa ng mga palabas, at ipapadala nila ang lahat ng materyal na kanilang naipon sa mga pahayagan at telebisyon. Natuto din lumipad si Chris para mabilis silang makarating sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga interesanteng bagay. Sa kanilang mga paglalakbay ay nakilala nila ang maraming mga kawili-wiling tao na palagi nilang iniimbitahan na pumunta at bisitahin sila sa kanilang tahanan. Mahilig silang matulog sa tolda at kumanta ng mga kanta na may gitara sa paligid ng apoy. Laging handa si Beth sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sa ikalawang kompartamento ng kanyang bag ay may nakatagong isang ilaw, isang siyam na boltahe na baterya, gamit pananahi (kung sakaling ang rucksack ni Chris ay masira), isang inchtape, tatlong paperclip, apat na cottonbuds at isang kutsilyo, na laging kailangan kapag sila ay magkamping. Sa kasamaang palad, sina Beth at Chris ay walang sariling mga anak, kaya nabubuhay lang sila araw-araw.Sa bag na puno ng napakaraming iba't ibang bagay, may maliit ding bulsa si Beth para sa kanyang pitaka, kung saan siya naglalagay ng mga barya at perang papel. Isang araw, nang malayo na sila sa kanilang tahanan, nagkasakit nang malubha si Beth at mula sa araw na iyon ay kailangan na niyang manatili sa higaan sa lahat ng oras. Sa katunayan, parang ang kanilang mundo ay nagkasakit kasama ni Beth, at ang mga tao ay hindi na nagawang bumisita sa isa't isa, o kumanta kasama ang isang gitara sa paligid ng apoy. Sa halip, pinapadalahan nila ng mga liham at card si Beth na nagsasabi sa kanya ng mga kuwento tungkol sa kanilang buhay at sa mga pakikipagsapalaran nila. Binabasa ni Chris ang lahat ng sulat kay Beth habang nakahiga siya sa kama, at pinaulanan siya ng impormasyon kung saang bahagi ng mundo nanggaling ang liham o card sa pamamagitan ng pagturo sa mga lugar sa mapa na kinuha niya sa kanyang rucksack. Ang pinakamahalagang bagay ay alinman sa kanila ay hindi nawala ang kanilang pagiging masiyahin, kahit na sa isang sandali. Kahit na nakaratay sa kama, si Beth ay palaging gumagawa ng mga kakaibang trabaho. Inayos niya ang lahat ng kanilang extension lead at tinahi sa makinang panahi. Nang mawalan siya ng lakas, nagpasya siyang gamitin ang lahat ng perang nakolekta niya sa kanyang pitaka para makabili ng malaking lupa. Nagawa niyang bumili ng lupa sa pamamagitan ng internet, ngunit hindi niya ito nagawang puntahan dahil patuloy siyang nanghihina. Upang maiwasang isipin ang tungkol sa kanyang karamdaman, nagsimula silang mag-isip ni Chris ng mga plano kung paano nila gagamitin ang lupain at kung ano ang kanilang itatayo dito. Nakaisip sila ng magandang pangalan para dito - BETHSFIELD. Ngunit sa kasawiang palad, hindi kailanman nakita ni Beth ang kanyang lupain. Kinuha ni Chris ang kanyang mapa at umalis kaagad, tulad ng nakasanayan niyang gawin dati kasama si Beth, maliban sa pagkakataong ito ay siya ay nag-iisa na lang. Pumunta siya sa BETHSFIELD. Ibinaon niya ang pinakamamahal na bag ng kaniyang asawa sa ilalim ng malaking bato na napapaligiran ng tatlong unan. Naalala niya ang eksaktong dami ng iba't ibang bagay na dinadala ni Beth sa loob ng kanyang bag. Naalala niya ang mga ito sa isang espesyal na pagkakasunud-sunod na nagbigay ng ilang mga coordinate sa degree ng mapa, minuto at segundo: 51*07'47"N i 19*33'41"E. Nagtanim ng mga bulaklak at puno ang mga kaibigan nina Beth at Chris sa paligid ng bato kung saan nakabaon ang bag ni Beth. Parang isang magandang fairytale na kakahuyan ang lumaki sa paligid ng bato. Ang prutas mula sa mga puno ay ginamit upang gumawa ng masarap na puding, jam, ibat-ibang uri ng alak. Ang isang espesyal na lugar sa kakahuyan ay pinili para sa mga campfire, upang ang mga tao ay kumanta gamit ang gitara, tulad ng dating ginagawa ni Beth. Hanggang ngayon, binibisita pa rin ng magkakaibigan ang lugar, at habang nakaupo sila sa palibot ng apoy sa kampo ay madalas nilang nakikita ang eroplano ni Chris na kumakawag-kawag ang mga pakpak habang lumilipad ito sa kanilang mga ulo, tanda na hindi niya nakakalimutan si Lilibeth. Ang mga taon ay lumipas, at ang mundo ay patuloy na nagbabago. Palaki ng palaki ang mga puno, at pataas ng pataas ang mga duyan na nakasabit sa mga sanga. Bawat bata na sa pamamagitan ng ilang himala ay natagpuan ang kanilang sarili sa kakahuyan sa tabi ng bato ay nag-iisip ng isang bagay na nais nilang ilagay sa bag ni Beth, na nakabaon sa lupa sa ilalim ng kanilang mga paa. Ang uri ng mga bagay na magiging kapaki-pakinabang para sa kanila sa isang mahirap at hindi inaasahang sitwasyon. At ikaw naman? Ano ang ilalagay mo sa bag??? Elżbieta i Krzysztof Kusz